Follow us on:
-
Recent Posts
Categories
Archives
Blogroll
Tags
bathroomgirl buhay abroad camera Canon cover digital DSLR facebook Filipino flash frustration geek in the pink Hasselblad homesick ibang bansa jason mraz Jollibee kaibigan Konika LCA+ Manila Minolta Nikon OFW Olympus ortopilot pasosyal Pentax Philippines photographer photography photoshop Pilipinas Pilipino Pinas pinoy pinoy abroad Samsung Sony sosyal status stuck web design yabang youtube



Proudly Pinoy!
Katulad nga ng sinasabi ko, Pinoy ako, Pinoy kami. Hindi mababago yun ng kahit na ano, kahit nasa ibang bansa man kami para magtrabaho, kahit paminsan minsan kumakain kami ng halos hilaw na karne sa isang resto na sakit lang naman ng tyan pagkatapos ang aabutin, Pinoy kami, hindi tulad ng iba dyan na magkaroon lang ng nakasabit na bag na puro initials ang pangalan pati dila bumabaluktot na sa pag-iingles. Kahit na anong pang kabalbalan na gawin ng mga politiko sa atin lalo na yung maliit na babae na ayaw kumain ng hotdog, Pinoy pa rin kami. O sige sige, may mga nakakahiyang nangyayari sa bansa natin. E ano ngayon, sa iba ba wala? Lahat naman may kanya kanyang baho, kanya kanyang sablay, di tayo iba sa kanila. Ano ka espesyal? Pinoy kami manalo man o matalo si Pacquiao.
Teka… pasensya na, nadala lang ako… ang gusto ko lang naman sabihin dito, kung sakali man na makikilala kami ng lagpas sa sampung tao (ngayon tatlo pa lang yata e) gusto ko malaman nila na Pinoy kami. Yun lang naman.
Pinoy kami. Proud to be kapamilya… este… kapuso… ay letseng network wars yan, kahit ano pa.