Sa wakas natunton mo rin kami… in english welcome!!!

Posted in Welcome / Announcements | Leave a comment

Sugar Coated-Smile

Yesterday was one (think of a word worse than hell) of a day. Something (think of a word worse than bad) happened at work. And I’m upset beyond words. That should be obvious by now.

If you know me well enough, you know that I don’t get upset. I don’t get angry. I just don’t. Anyway… so I got upset. For some reason some talented individual got to me.

So I went home. And there was Malu and a plate with a smile made from M&Ms. And I’m not upset anymore.

er

Posted in Randomness | Leave a comment

Favoritest Cover: Geek in the Pink by OrtoPilot & BathroomGirl

Posted in Videos | Tagged , , , , , | Leave a comment

First day of work…

…after two years…

Tama. dalawang taon. Sa wakas magtratrabaho na ulit ako. Excited? Hindi. Kinakabahan? Hindi rin. Inaantok. Oo.

Nasanay na yata ako sa buhay houseband. Kailangan ko nang mag adjust ulit. Pero bakit nga ba ako hindi nagtrabaho ng dalawang taon? Sadya nga bang tanga lang ako at ayaw ako kunin ng mga pinagaaplayan ko o katulad ng iniisip ng mga tao na akala nila kilala nila ako, na pinanganak lang akong tamad…

… alamin sa pagbabalik ko mamayang gabi… o kaya bukas na lang… o kaya pag sinipag ako… basta itutuloy ko to kung kailan man yun…

…kailangan ko pa mag-ahit ng buhok, mahal kasi gupit dito sa Singapore e, kailangan good first impression, kailangan bagong tasa.

Posted in Randomness | Tagged , , , , , | 5 Comments

Yabang Pinoy

Dati kuntento na tayo sa mga pahapyaw na hirit, mga pasaging baga, o sige, eto para mas madali maintindihan, pasimpleng yabang.

“Mare, ang init kanina no, nakabukas tuloy yung aircon nmin ng buong araw.”

“Tsong, samahan mo naman ako sa Rob, bili lang ako ng Girbaud na pitaka, na snatch yung luma ko e, girbaud rin yun.”

“Uy, sa akin na lang yang paper bag mong Marks & Spencer (…buti na lang may lalagyan na ako ng baon…) ”

Kahit nga nung bata pa tayo, may mga ganito nang eksena. Halimbawa na lang sa eskwelahan, kahit mabigat, halos hindi mo maibaba yung bago mong backpack na X-Men, kahit recess gusto mong dalhin. Yung pencil case mo na may built-in na pantasa, na punong puno ng colored pencil, Pilot na signpen, mechanical pencil, Stabilo at ng mga kisses na nasa bulak, buong araw nakapatong sa lamesa, nakabukas pa, e sa tutuusin isang Panda lang naman ang kailangan mo. E eto, yung sapatos mo na Gibi(astig) halos araw-araw kang kunwari nakakaapak ng paa para kapag ginantihan ka, masasabi nila na: “Wow tigas ng sapatos mo, steeltoe yan?”

Sa ekwela pa lang naututo na tayo, dito kasi nagsisimula ang totoong pakikisalamuha natin sa ibang tao. Pero noon, hindi pa natin alam na pagyayabang yun. Basta alam lang natin na masaya tayo pag napapansin ng ibang tao na may bago o iba sa atin. Nandun yung ideya, hindi pa nga lang sakop ng ating mga kaisipan kung paano ba talaga gumagana ang mga bagay bagay. Inosente pa tayo.

Kaya masarap maging bata.

Tumanda ako, ikaw, tumanda tayo… ng konti lang lang nman. Nagkaroon ka ng Pentyum 1, ng “sound blaster”, ng CD-ROM (yung iba floppy lang meron, loser), at syempre ng Pacific Internet, eto na… naginstall ka ng YM, tagal nga lang i-download sa prepaid na dial-up (wag na natin banggitin ang ICQ at MIRC, di ako nagamit nun e).

Hindi lang ako sigurado ha, pero dito yata nagsimula na pwede ka nang maglagay ng “status”. Pwede mo na ipaalam sa mga kaibigan mo kung ano nararamdaman at iniisip mo. Pero dati medyo konserbatibo pa, medyo di pa ganun katalamak, medyo limitado pa ang mga ideya at saloobin na naisusulat. Siguro dahil di pa naman ganun kadami contacts mo, konti pa lang ang makakabasa, at isa pa kapag nag log-out ka, mawawala na rin kung ano mang nilagay mo sa status mo.

Sa aking pagkakaalala (hindi na kasi ako nagbubukas ng YM ngayon), puro reklamo lang sa trabaho, problema sa buhay, mga pasasalamat, mga parinig, mga bagay bagay tungkol sa pagibig, mga “is currently listening to” pa lang ang mababasa mo. Mga bagay na panandalian lang ang imprenta sa isipan, mga bagay na araw-araw nagbabago at mga bagay na para lang sa mga mata ng mga taong malapit sayo.

2002, napuno lalo ang mga masikip nang computer shop sa Recto at San Marcelino. Pero matiyaga pa rin sa pagpila ang mga tao, hindi para magresearch o para makapagdownload ng MP3 sa Napster, kundi para makapaglogin at makapagparami ng contacts sa Friendster. Pati tuloy si inday at si lola, nakikipag-agawan na rin, halinhinan sila sa computer ni Junior every 15 minutes. Nagkaroon kasi ng pagkakataon ang lahat na mahanap ang mga nawawalang kaibigan, mga elementary crush, mga first kiss, at mga iba pang “first”. At syempre meron silang “shoutout” box, na pwede mong salpakan ng samut-saring bagay, kasama na ang mga bagay na makakapagpahiwatig sa ibang tao na matalino ka, ang hindi nila alam sa Google mo lang nakuha yun, pitong beses ka pa kumunsulta sa Thesaurus.com. Dito, medyo nagsisimula na… alam niyo na yun. Pero kahit paano abala pa ang mga tao sa ideya ng “Friendster”, medyo busy pa sa paghahanap ng mga kaibigan ng bayaw ng tyuhin ng kabit ng kapitbahay ng kalaro mo sa patintero nung bata.

Pero wag na tayo masyado magtagal dito, sabi nga nila, laos na daw ang friendster, oldschool, at syempre, mawawala ba to: “jologs daw”. Lipat tayo dun sa mas sosyal, dun sa mas may dating, dun tayo sa “in”.

Noong lumabas ang Facebook, sabi nila, mas propesyonal daw ang dating, mas seryoso, mas malinis ang layout, walang mga bulaklak o picture ni Nick Carter sa background, walang pink na font, at syempre mas maganda kasi nasa kabila daw yung mga jologs, kaya naglipatan ang mga…ahhhh… teka… tanong ko lang ha, kung sa kabila jologs, ano kayo? Ano tayo? A cut above the jologs? Ok. Teka, teka, linawin ko lang. Hindi ako maka-friendster o maka-facebook man. Sa totoo lang wala akong pakialam, basta ang pagkakaalam ko, jologs = masa. Hindi negatibo yun.

Balik tayo. Naglipatan ang mga tao sa facebook, kasi mas “dynamic” ang approach nila, mas realtime, at syempre may games. Mafia Wars. Retaurant City. Farmtown. Farmville. Farm Buddy (pucha puro farm, kahit ako naadik dito). Hindi nakakatulog ang mga tao sa kakaisip na baka manakawan sila o baka malanta yung mga tanim nilang pumpkin at hindi makapaghintay sa next na level up. Pero saan pa ba nauubos ang oras natin sa Facebook? Sa paghahanap ng kabigan? Tingin ko hindi na, kasi nga mas dynamic ito, nagsusulputan sa gilid yung mga “suggestment” nila sa pwede mong gawin.

Dun tayo sa “what’s on your mind”. Tama, dito, masakit na ang mata mo sa kakatitig sa cursor, wala ka pa ring maisip kung ano ba dapat ang ilagay mo. Hindi ka mapakali kung english ba o tagalog… pero, sige go, bakit ka magta-tagalog, manggaling ka naman na dun, english na lang para mas engaging sa mambabasa… pero syempre minsan di pa sapat na ganun na lang, madalas kailangan mahaba ang maisulat, kulang ang isang sentence, at least one paragraph dapat.

Seryoso ka ba? “What’s on your mind” daw, hindi “Write an essay”.

Ok lang naman mag-English, pero hinay hinay lang para hindi mahalatang nagpa-practice ka lang.

Ang iba naman sa atin sineryoso ang “what’s on your mind”, akala natin literal na tinatanong tayo kaya obligado tayong sumagot, pag hindi baka iblock nila ang account mo. Sobrang sineryoso pati mga bagay na, diretsuhin ko na… walang kwenta, pinagaaksayahan ng panahon na ilagay at ipaalam sa lahat. Pero sabi nga ng mga taong naiirita na: “WHO CARES?” Pero mababaw lang to, palagpasin na natin.

Pero ito hindi mababaw, at sigurado ako, iniisip mo rin to: “Ang daming mayabang sa facebook”.

Name dropping dito, name dropping doon. Lahat na lang ng sosyal na brand, pangalan ng hotel, pangalan ng restaurant, bansang pinuntahan nabanggit mo na. Kulang na lang ilista pati resibo ng pinamili mo sa Hong Kong. Minsan nagplaplano ka pa lang bumili, alam na ng lahat, tapos hindi naman pala matutuloy. Kumain ka lang sa mahal na lugar kala mo napaka-cultured mo na, isa lang naman ang sigurado, paglabas niyan tae pa rin naman. Tsaka teka, kamote lang naman kinakain mo dati ah (sarap kaya ng kamote)? Oo, may bago kang ganito at ganun. Bakit ikaw lang ba?

Sa dami ng mga mababasa mong ganito sa Facebook, ang mga tao sanay na, madali nang masabi kung sino yung excited lang magkwento at masaya lang sa mga pangyayari sa buhay niya at syempre gustong ikwento sa mga taong totoong may pakialam sa kanya, at syempre kung sino yung nag-abalang mag-online para lang mag-yabang.

At kala mo nama’y di pa sapat to… dumagdag pa ang mga politiko na nangangampanya… teka, ibang usapan na to.

Sa totoo lang nakakabuwisit na. Nakakairita. Ano ka bata? Gaano ba kaimportante sayo ang mapansin ng ibang tao? Huwag mo nman araw arawin, bigyan mo naman ng konting katahimikan ang mga tao sa friends list mo. Paalala lang, madaming tao na hindi mo naman ganun ka-close ang nakakabasa ng pinagsusulat mo, o baka naman ito talaga ang nagbibigay ng drive sayo? Kilala mo ba si Jacque Bermejo? Baka ikaw na ang susunod. Ingat ka.

O kaya bakit hindi na lang mga ganito ang isulat mo para maiba naman:

“There’s a freaking one-inch gasgas on the fender of my tricycle, i have to make kuskos pa tuloy the stainless…”

“I so so love Quiapo and Carriedo, I can buy all the dibidis that i want and still have enough money to make tusok-tusok the quail eggs…”

“Just went shopping at Isetann Recto”

Nakakatawa o nakakaloko man, pero sa totoo lang mas mabuti pa na ganito na lang ang mabasa ko kaysa mga nakakabwiset na mga hirit.

Si Bill Gates nga binili kalahati ng mundo e, pero nilagay ba niya sa status o shoutout o “what’s in your mind” niya? Oo alam ko walang facebook si Bill Gates (meron, pero tingin niyo siya talaga yun?), pero wag ka naman pilosopo.

Kaya babalik na lang ako Friendster (joke lang), mas gusto ko naman ang mga jologs kesa sa mga mayabang (hindi joke), kasi jologs is the new cool.

Dito naman tayo sa pinakabago.

Tweeter. Ito naman parang super mini-blog ang konsepto na pwede mo ikwento ng installment ang buong araw mo. Para ding chat na may delay ng konti, pwera lang may mga tsismosa na nakikibasa ng mga usapan niyo. Para ding Facebook na tinanggal lahat ng nasa ilalim at tinira lang yung katiting na parte sa itaas. Pero dito wala ka naman pwedeng ibang gawin kundi ipaalam sa buong mundo kung ano na estado ng tyan mo at ibalita na pumasok na ang sweldo mo. At least dito, may excuse ka, walang pwedeng mambara sayo. Ngayon pwede ka na magfocus sa pagyayabang… este… pagkwekwento ng mga bagay bagay tungkol sayo sa mga di mo kilalang tao.

Seryoso, medyo ok naman ang konsepto nito, dahil sa limitado ang pwede mong gawin, hindi ka pwersadong makipagsabayan sa mga di mo trip at di mo kailangan magbasa ng mga ayaw mo. Sa facebook kasi, ayaw mo man maglog-in dahil alam mo na mababadtrip ka lang… pero paano naman yung mansion sa Farmtown na kalahating taon mo nang pinagiipunan at yung jobs mo sa Cuba?

At ngayong di na tayo bata (kahit naglalaro ka pa rin ng Mafia Wars) alam na natin na ganito gumagana ang mga bagay bagay sa mundo.

Karapatan naman talaga natin na sabihin o isulat kung ano man ang gusto nating sabihin o isulat. Ang sa akin lang, bawasan sana natin ang yabang at ang pagpapanggap. Oo, kumikita ka na ng malaki ngayon, nasa ibang bansa ka na, marunong ka na mag-English, at kaya mo na mang-away in English, may LV ka na 24-months installment, pero alam nanamin yun e, sapat na siguro na alam ng mga taong malalapit sayo, wag mo na idamay ang iba. Hindi mo responsibilidad na ipaalam sa ka-tropa ng ex ng ka-frat ng kaklase ng hipag ng kapatid ng kapatid mo sa labas na may bago kang iPhone. DAHIL WALA SILANG PAKIALAM.

Hindi naman talaga posible na mawala ang kayabangan… pero sana kahit bawasan lang, kahit konti lang, para naman hindi naman masyado nakaka-badtrip magbukas ng facebook.

Tsaka, ikaw rin mag-ingat ka… baka mamaya tumor na yan.

PS. Tatlong klase lang ng tao meron sa mundo. Una, yung mapipikon sa mga nakasulat dito. Pangalawa, yung sasangayon . Pangatlo, yun hindi makapag-desisyon kung sasangayon o mapipikon.

Posted in Indulgent Ideas, Pinoy Talks | Tagged , , , , , , , , , , , , | 5 Comments